From: Alyana Pauline Badiana
hi, alex. kamusta? si yana 'to. dati nagkukumparahan pa tayo ng height kung sino mas matangkad kasi mapride tayong tao diba? never kong inakala na dadating yung araw na panalo na ako. sorry sa mga silent greetings sa tuwing nakikita kita dati. yung mga subtle na tango, o eye contact lang, sana, kung mababalik lang yung oras, sana at least once, any chance na nagkita tayo, kinamusta kita o simpleng "hello" or "hi". naalala mo pa nung grade 7 tayo, alex? nung nag film tayo para sa ibong adarna, tapos gusto mong mang-spy sa ibang group kaya hiniram natin yung bike ni jewel na red. nakagown ka pa nga non, it's giving ano, runaway bride. slay. nung nakarating tayo malapit sa bahay na pinags-shooting ng ibang group, nakita tayo nila non kaya nagpanic tayo, tapos may naglalaba pala sa tabi kaya madulas yung daan, ayon sumemplang tayo. andami kong sugat sa binti non tapos yung gown na suot suot mo, nabutasan. nanginginig paa ko, nanginginig paa mo kaya naglakad nalang tayo pauwi. HAHAHAHAHAJD we will forever miss you, alex. we love you.
- yana